FRUIT DEALER PATAY SA AMBUSH

MAGUINDANAO DEL SUR – Patay ang isang negosyanteng fruit dealer matapos na tambangan ng hindi kilalang mga suspek habang sakay ng kanilang sasakyan kasama ang kanyang asawa sa Barangay Galakit, Pagalungan sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Dong Kusay Balabadan, 40, at Noraina, 38, parehong mga etnikong Maguindanaon.

Ayon sa Pagalungan Municipal Police Station, galing sa Barangay Bulit sa Montawal ang mag-asawa nang tambangan sa Barangay Galakit, habang patungo ang mga ito sa isang supplier ng mga prutas sa Pagalungan,

Dahil sa mga tama ng bala, nawalan ng kontrol si Balabadan sa minamanehong kotse at nahulog ang sasakyan sa madamong gilid ng highway, ilang metro mula kung saan sila pinagbabaril.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sakay ng mga motorsiklo.

Dead on the spot si Balabadan matapos na tamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakaligtas naman at hindi nasugatan ang kanyang misis.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mahuli ang mga suspek at mabatid kung ano ang motibo sa pamamaril.

(NILOU DEL CARMEN)

32

Related posts

Leave a Comment