GUN BAN, LIQUOR BAN SA PISTA NG NAZARENO

MAHIGPIT na ipatutupad ang gun ban at liquor ban sa Pista ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9, sa Quiapo, Manila.

Ito ang naging direktiba ni Manila Police District OIC Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay upang masiguro ang seguridad ng bawat indibidwal sa araw ng pista ng Quiapo.

Pinaalalahanan din nito ang mga deboto o ang mga magsisimba na bawal ang magdala ng backpack at iwasang magsuot ng sumbrero.

Maging ang mga vendor sa paligid ng simbahan ay mahigpit ding pinagbawalang magtinda bago sumapit ang pagdiriwang.

Samantala, inatasan ni Police Colonel Ibay ang Smart at Globe na pansamantalang putulin ang signal sa lugar upang maiwasan ang anomang karahasan tulad sa bantang pagbomba gamit ang cellular phone.

Ayon naman sa pamunuan ng simbahan, wala nang magpapasan ng imahe ng Poong Nazareno dahil ilalagay ito sa karosa na may salamin ang paligid at maaari lamang itong sundan ng mga deboto.

(RENE CRISOSTOMO).

91

Related posts

Leave a Comment