MEDICAL AT BURIAL AID IBINALIK NG DSWD

IBINALIK na ng Department of Social Welfare and Development ang pag-iisyu ng Guarantee Letters para sa mga nangangailangan ng tulong pinansyal sa pagpapagamot at pagpapalibing.

Kinumpirma ni USEC Ed Punay na ibinalik na ng DSWD ang pagbibigay ng guarantee letter sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Una rito, inanunsyo ni DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, maaari na muling maka-request ng guarantee letter ang mga nangangailangan ng medical assistance at funeral expenses.

Subalit kailangan munang siguraduhin lang na kumpleto ang mga kinakailangang papeles at ID para sa mas mabilis na pagproseso ng kanilang request.

Nitong Disyembre, pansamantalang itinigil ng DSWD ang pamimigay ng guarantee letter, upang bigyang daan ang annual liquidation.

Samantala, kung nag-resume ang guarantee letter nitong Enero 2, kasabay naman nito ang pansamantalang pagsuspinde sa ‘provision of outright cash’ sa ilalim pa rin ng AICS.

Ito’y habang hinihintay ang pag-download sa pondo ng ahensya para sa taong 2024 mula sa Department of Budget and Management (DBM).

(JESSE KABEL RUIZ)

207

Related posts

Leave a Comment