HOLDAPER NA SAKAY NG KOTSE TINUTUGIS

CAVITE – Nakipag-ugnayan na ang Cavite Police sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng driver ng isang Honda Civic, makaraang mangholdap at tumangay ng P98,000 cash at alahas sa isang lalaki, saka kinomando ang isang L300 van na ginamit na get-away vehicle sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktimang si alyas “Felino” ng General Mariano Alvarez (GMA), Cavite habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na lulan ng isang itim na Honda Civic na may plakang UHG 756, at kinumando ang isang L300 Van na may plakang NIO6172, sa pagtakas.

Ayon sa salaysay ng biktima, nakatayo siya sa harapan ng kanilang bahay sa Brgy. Delas Alas habang naghihintay ng tricycle dakong alas-7:45 ng umaga, nang lapitan siya ng suspek, tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Walang nagawa ang biktima kundi ibigay ang tinatayang P68,000 cash at gintong singsing na nagkakahalaga ng P30,000.

Pagkaraan ay sumakay ang suspek sa isang itim na Honda Civic na may plakang UHG 756 at pinasibad papalayo.

Gayunman, kasama ang kanyang anak, sinundan ng biktima lulan ng

kanilang Honda BR-V, ang suspek at pagdating sa UTS Boulevard, Brgy. Sampaloc 2, Dasmarinas City ay naispatan nila ang kotse na kanilang binangga.

Mabilis namang lumabas ng kotse ang armadong suspek na kinomando ang isang L300 van na minamaneho ng isang alyas “Rufirey”, na siyang ginamit nito bilang get-away vehicle.

(SIGFRED ADSUARA)

30

Related posts

Leave a Comment