HVI HULI SA P220K SHABU

CAVITE – Mahigit sa P220,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article II, Sections 5 at 11 ng RA 9165 ang suspek na si Jojie Decena y Eliseo, 23, residente ng ng Pasay, City.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Kawit Municipal Police Station sa Brgy. Potol, Kawit, Cavite na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan ng

32.6 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P221,680.

Bukod sa ilegal na droga, kinumpiska rin mula sa suspek ang motorsiklo na may plakang PZQ480.

(SIGFRED ADSUARA)

368

Related posts

Leave a Comment