STRIP SEARCH SA ASAWA NG POLITICAL PRISONERS IIMBESTIGAHAN

KASABAY ng pagkondena, nagpatawag ng imbestigasyon si Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas sa strip search na isinagawa sa mga asawa ng political prisoners, na dumalaw sa New Bilibid Prison.

“Matindi ang ginawa sa kanila. Napaka-degrading ang strip search na ginawa sa kanila,” pahayag ni Brosas, kaya bukod sa kasong isinampa sa Commission on Human Rights (CHR) ay dapat din itong imbestigasyon sa Kongreso.

Ayon sa mambabatas, bodily search ang ginawa sa mga biktima na ang mga asawa ay nakakulong sa maximum security compound, dahil pina-squat at pinatuwad umano ang mga ito kaya hindi naitago ang maselang bahagi ng kanilang katawan, na malinaw na paglabag sa karapatang pantao.

Paglabag din umano sa mga international law ang ganitong uri ng pagtrato sa mga dalaw ng persons deprived of liberty (PDL) kaya dapat itong imbestigahan at panagutin ang mga umabuso sa kapangyarihan.

Sa pinakahuling impormasyon, sinibak na umano ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang 7 opisyal na sangkot sa strip search subalit sinabi ni Brosas na dapat panagutin ang mga ito.

(BERNARD TAGUINOD)

184

Related posts

Leave a Comment