INAANTOK NA DRIVER SUMALPOK SA CENTER ISLAND

driver

CAVITE – Pinagbabayad ng danyos perwisyo ang driver ng isang Toyota Fortuner sa nasira niyang center island nang araruhin nito matapos umanong makatulog habang nagmamaneho sa Dasmariñas City, nitong

Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang driver ng Toyota Fortuner na may plakang TOG 214, na si Tiburcio Dangcalan Jr., nasa hustong edad.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang minamaneho ni Dangcalan ang kanyang Toyota Fortuner at binabagtas ang kahabaan ng Molino-Paliparan Road.

Ngunit pagsapit sa Viva Homes Subd., Salawag, Dasmariñas City, nang umano’y makatulog ang driver kaya nabangga nito ang center island na pagmamay-ari ng local government unit (LGU) ng Dasmariñas City.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng nasirang center island. (SIGFRED ADSUARA)

143

Related posts

Leave a Comment