MOTION TO DISMISS INIHAIN NG KAMPO NI TEVES

PORMAL na naghain ng ‘motion to dismiss’ ang abogado ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., kaugnay ng kasong illegal possession of firearms and explosives.

Nitong Biyernes ng umaga, nagtungo si Atty. Ferdinand Topacio sa Department of Justice para isampa ang mosyon para sa kanyang kliyente.

Ayon kay Topacio, mismong ang prosecutor ng Department of Justice (DoJ) ang nagpatawag sa kanila kaya agad silang nagtungo sa nasabing tanggapan.

Sinabi ng abogado na “this is the last for the case” na may kinalaman sa mga reklamong illegal possession of firearms and explosives na inihain laban kay Teves.

Sa ambush interview, sinabi ng abogado ni Teves, “Ginintuang pagkakataon para kay Teves ang napipintong pagharap nito sa Senado para mailabas ang kanyang saloobin kaugnay ng pagkakasangkot niya sa Degamo slay case.

Ngunit tiniyak ni Topacio na hindi kokomprontahin ng kanyang kliyente si Pamplona Mayor Janice Degamo, oras na magharap sila sa Senado, na gagawin via-online video teleconferencing.

Nanawagan naman si Topacio sa pamilya Degamo na ‘wag gawing platform ang pagdinig sa Senado para magbato ng mga paratang na walang pruweba. (RENE CRISOSTOMO)

241

Related posts

Leave a Comment