INI-REPORT NA MAGNANAKAW SIYA MISMO, LOLO ARESTADO

CAVITE – Hindi umubra sa pulisya ang drama ng isang 62-anyos na lolo na nag-report sa presinto na pinasok ang kanyang bahay at tinangay ang tinatayang P1 milyong cash at dalawang laptop, matapos nabisto na siya mismo ang nagnakaw sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Huwebes ng umaga.

Nahaharap sa kasong perjury ang suspek na si alyas “Ferdie”, tubong Pampanga, at residente ng Brgy. Poblacion 3, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:50 ng umaga, nagtungo ang suspek sa

presinto upang i-report na pinasok ng magnanakaw ang kanyang bahay sa Brgy. Poblacion 3, Silang, Cavite dakong alas-4:00 noong Miyerkoles ng hapon.

Sa kanyang kuwento, dumaan ang magnanakaw sa harapang pintuan at nang nakapasok ay tinangay umano ang tinatayang P1,000,000 cash at dalawang laptop saka tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.

Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya at nirebyu ang closed circuit television (CCTV) sa lugar kung saan nakunan ang isang lalaki na nakasuot ng dark jacket na may hood, naka-baseball cap at itim na pantalon at pinasok ang nasabing bahay ngunit lumabas din ito.

Subalit sa paulit-ulit na pagrerebyu sa CCTV footage, nakumpirma ng pulisya na ang akyat-bahay at ang nag-report ng pagnanakaw ay iisa dahilan upang arestuhin si alyas “Ferdie” na nakumpiskahan ng laptop at cash.

(SIGFRED ADSUARA)

64

Related posts

Leave a Comment