KITA NG GAS STATION TINANGAY, CASHIER TIKLO

CAVITE – Arestado ang isang cashier makaraang tangayin ang kita ng gasoline station sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Zandro Morada y Mirtel, 43, cashier ng PTT gasoline station at residente ng Brgy. San Antonio, Noveleta, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ni Markiem Doblado, secretary ng PTT gasoline station sa Brgy. San Antonio 2, Noveleta, na nawawala ang vault ng gasolinahan na may lamang P49,365.10 cash at itinurong tumangay ang mismong cashier nila na si Morada.

Samantala, arestado rin ng mga awtoridad ang suspek sa pagnanakaw na si Ma. Elena Viray Bataan, 46, stay-in kasambahay sa Brgy. Panamitan, Kawit, Cavite.

Ayon kay Elizabeth Bermudez Bagorio, 46,naaktuhan niya si Bataan dakong alas-2:40 ng hapon habang bitbit ang kanyang bangle gold na P30,000 ang halaga, sa kanilang bahay sa Brgy. Panamitan, kaya agad niya itong ipinaaresto sa mga awtoridad.

(SIGFRED ADSUARA)

83

Related posts

Leave a Comment