KOREANO NAG-DIVE SA CONDO?

NAHULOG mula sa ikasiyam na palapag ng tinutuluyang condominium ang isang Korean national sa Maynila nitong Miyerkoles.

Sa ulat ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang 7:55 ng umaga nang mahulog mula sa ika-9 na palapag ng condominium sa A. Adriatico Street, Malate ang biktima na kinilalang si Wonbin Lee.

Pinaghihinalaang sadyang tumalon mula sa kanyang unit sa Room 501 ang biktima bagaman hindi pa batid ng mga awtoridad ang dahilan ng pagpapakamatay umano nito.

Pansamantalang inilagak sa Body and Light Funeral morgue ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya.

(RENE CRISOSTOMO)

37

Related posts

Leave a Comment