LALAKI, BINISTAY NG BALA SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si alyas “Manuel”, nakasuot ng itim na pantalon, asul na sapatos, brown t-shirt, at residente ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bacoor Component City Police hinggil sa insidente ng pamamaril sa Molino 3, Bacoor City, Cavite dakong alas-5:40 ng hapon.

Agad nagresponde ang mga pulis ngunit naabutang wala nang buhay ang biktima na may tatlong tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay at pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

(SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment