LALAKI TINUSOK SA MASAMANG TINGIN

CAVITE – Pinagsasaksak ang isang lalaki dahil umano sa masamang tingin nito sa suspek sa harapan ng isang sari-sari store sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi.

Isinugod sa Ospital ng Dasmariñas ang biktimang alyas “Mario” subalit namatay dahil sa mga saksak sa katawan.

Mabilis namang nakatakas ang suspek na si alyas “John” ngunit nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima sa harap ng isang sari-sari store sa Brgy. Paliparan-3, Dasmariñas City, nang lapitan siya ng suspek at sinita dahil sa tila masama umanong tingin sa kanya.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay habang naaresto naman ang suspek sa follow-up operation.

(SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment