LIDER, MIYEMBRO NG 2 DRUG GROUP SA QUEZON TIMBOG

QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang isang lider at isang miyembro ng dalawang drug group sa Quezon Province sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa mga bayan ng Tiaong at Candelaria noong Sabado at nitong Linggo.

Ayon sa report ng Quezon PNP, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi nang matimbog ng mga tauhan ng Tiaong Police ang suspek na si Edgar Mercado, 46, sa buy-bust operation sa Sitio Tondo, Brgy. Tagbakin, Tiaong.

Si Mercado ay nakatala bilang high value individual (HVI) sa PNP drug watchlist, at lider ng Edgar Mercado drug group.

Nasamsam sa kanya ang 5 plastic sachet ng umano’y shabu na may timbang na 3.78 grams at tinatayang P77,112 ang halaga.

Samantala, nitong madaling araw ng Linggo nang madakma naman ng mga awtoridad si Esperanza Villena Araneta sa buy-bust operation sa Barangay Pahinga Norte, bayan ng Candelaria.

Sinasabing miyembro ito ng Bobadilla drug group na nag-o-operate sa Candelaria at mga katabing bayan.

Nakuha sa suspek ang ang 4 sachet ng umano’y shabu na may timbang na 2.34 grams at may street value na P47, 736.

(NILOU DEL CARMEN)

170

Related posts

Leave a Comment