‘LOVER’ NI MISIS UTAS KAY MISTER

CEBU CITY – Patay ang isang 30-anyos na lalaki habang sugatan ang umano’y karelasyon nitong ginang matapos na pagsasaksakin ng mister ng huli nang maaktuhang magkatabing natutulog sa kanilang bahay sa Sitio San Roque, Brgy. Lorega San Miguel sa lungsod noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Raymart Ricardo Baril, taga Barangay Day-as, Cebu City.

Ayon sa report ng Cebu City Police, bandang alas-4:00 ng madaling araw, magkatabing natutulog ang biktima at ang ginang na si Bethy Bolaño Uy, 31, nang biglang dumating ang mister ng huli na si Emebert Cruz Uy.

Bunsod ng silakbo ng selos, pinagsasaksak ng suspek ng dalawa gamit ang isang kutsilyo.

Isinugod ang dalawa sa Cebu City Medical Center subalit nalagutan ng hininga ang lalaki. Habang nilalapatan naman ng lunas ang ginang.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

(NILOU DEL CARMEN)

28

Related posts

Leave a Comment