MAGDYOWA TIKLO SA BOGA, DROGA

ARESTADO ang isang mangingisda at ang kanyang dyowa nang makumpiskahan ng baril at P100,000 halaga ng umano’y shabu sa Navotas City.

Ibinalibag sa magkahiwalay na selda sina Jefferson Legaspi, alyas “Jeff,” 39, mangingisda, at Belinda Acuña alyas “Bebe,” 30, kapwa ng Brgy. Tangos North.
Dakong alas-11:30 ng gabi noong Huwebes nang isagawa ang operasyon sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque matapos makatanggap ng tip hinggil sa pagbebenta ng umano’y shabu ni Legaspi.

Nang tanggapin ni Legaspi ang P500 marked money mula sa undercover cop kapalit ng shabu ay dinampot ito kasama si Acuña.

Nakumpiska sa mga dinakip ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P102,000, marked money, coin purse, sling bag, P300 cash, at isang 9mm na baril na kargado ng tatlong bala.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga suspek habang may karagdagang kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions na haharapin si Legaspi. (ALAIN AJERO)

200

Related posts

Leave a Comment