MWP SA MURDER TIMBOG SA BAHAY

NAGWAKAS ang halos 20-taong pagtatago ng isang kabilang sa most wanted persons ng Navotas City nang ingusong kampanteng tumatambay sa kanilang bahay.

Swak sa hoyo ang suspek na si Noli Villanueva, 49, ng Brgy. San Roque, ng lungsod.

Napag-alaman, may nagnguso sa Navotas Police na muling namataan si Villanueva sa kanilang bahay. Bunsod nito, agad sinalakay ng mga parak dakong alas-3:15 ng gabi ang bahay ng suspek noong Huwebes na nagresulta sa pagkakaaresto kay Villanueva.

Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Benjamin T. Antonio ng Regional Trial Court Branch 170, Malabon City, para sa kasong murder noong noong Marso 24, 2003. (ALAIN AJERO)

49

Related posts

Leave a Comment