MAGSASAKA TINADTAD NG BALA SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang binatang magsasaka matapos na tadtarin ng bala sa tabi ng taniman ng tubo sa Brgy. Salao, sa bayan ng Rosario, sa lalawigang ito.

Kinilala ng Rosario Police ang biktimang si Renan Rosales, 33-anyos.

Ayon sa report ng pulisya nitong Linggo, nadiskubre na lamang ang ng biktima na wala nang buhay at tadtad ng tama ng bala ng baril habang nakatimbuwang sa tabi ng kanyang motorsiklo malapit sa isang tubuhan.

Ayon sa mga kaanak nito, huli itong nakitang buhay dakong alas-09:00 ng gabi noong Sabado.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

57

Related posts

Leave a Comment