MANDURUKOT SA JEEP NADAKMA SA FOLLOW-UP

NADAKMA ang isang hinihinalang nandukot sa loob ng jeep sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila, sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa Mandaluyong City noong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si David Solomon, 47, may asawa, jobless, ng Barangay San Luis, Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:20 ng hapon noong Miyerkoles nang

mapansin ng 20-anyos na estudyante ng Centro Escolar University (CEU) na laslas ang kanyang bag at nawawala ang kanyang cellphone at P20,000 cash, habang nakasakay sa jeep na binabagtas ang kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa Maynila.

Bunsod nito, dumiretso ang biktimang si “Joy” sa MPD-University Belt Area Police Community Precinct at iniulat ang insidente.

Agad namang nagkasa ng follow- up operation ang mga pulis hanggang sa matunton ang suspek sa Sultan Street sa Mandaluyong dakong alas-7:00 ng gabi, habang nakasakay sa isang pampasaherong van na nagresulta sa pagkakadakip dito. (RENE CRISOSTOMO)

136

Related posts

Leave a Comment