MASTERMIND SA DJ JOHNNY WALKER SLAY CASE, TARGET PA NG PNP

TARGET ng Philippine National Police na matukoy at madakip ang pinaka-mastermind sa pagpatay sa radio brodkaster na si Juan Jumalon aka “Dj Johnny Walker” matapos na madakip ng mga awtoridad ang gunman sa asasinasyon.

Ito ang dahilan, ayon kay PNP-Public Information Office (PNP-PIO) chief, PCol. Jean Fajardo, kung bakit hindi pa nila kinokonsiderang case closed ang kaso ng pagpaslang kay Jumanoy kahit nadakip na ang triggerman.

Kamakalawa ng umaga ay nadakip ang ikatlong suspek na si Julito Mangumpit na siya ring primary gunman sa pagpatay kay Jumalon.

Ayon kay PCol. Jean Fajardo, target ng follow-up investigation na matukoy at maaresto ang mastermind sa pagpatay.

(JESSE KABEL RUIZ)

40

Related posts

Leave a Comment