MENOR DE EDAD, 1 PANG RIDER PATAY SA DRAG RACING

GENERAL SANTOS CITY – Dalawang rider na sangkot sa drag racing ang namatay sa magkahiwalay na aksidente sa Fil-Am Road sa Brgy. Fatima sa lungsod, noong Biyernes ng madaling araw.

Batay sa kuha ng CCTV, kita ang matutulin na pagtakbo ng mga motorsiklo.

Hindi katagalan ay biglang sumalpok ang isang motorsiklo sa kasalubong nitong SUV na paliko sana sa highway.

Ayon sa imbestigador ng Gensan Traffic Enforcement Unit, sinubukan pang i-revive ang 17-anyos na biktima na isang Grade 12 student subalit binawian ito ng buhay sa ospital.

Nagkaaregluhan naman ang driver ng SUV at ang pamilya ng biktima.

Makaraan naman ang wala pang 15 minuto, nasawi rin ang isang 28-anyos na lalaki matapos bumangga ang motorsiklo nito sa kasunod na isa pang motorsiklo sa bahagi rin ng Fil-Am road.

Ayon sa pulisya, sangkot din sa drag racing ang dalawang motorsiklo.

(NILOU DEL CARMEN)

50

Related posts

Leave a Comment