MISIS BINARIL NI MISTER BAGO NAGBARIL SA ULO

BATANGAS – Trahedya ang sinapit ng isang pamilya sa bayan ng Cuenca sa lalawigan matapos na barilin ng mister ang kanyang misis at pagkatapos ay magbaril din sa sarili noong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Cuenca Police ang mag-asawang sina Candido at Elsa Mendaña.

Ayon sa report dakong alas-7:00 ng umaga, magkasamang nakasakay sa kanilang owner type jeep ang mag-asawa nang biglang na lamang bumaba sa sasakyan ang misis at magsisigaw na humihingi ng tulong dahil papatayin daw siya ng kanyang mister.

Tumakbo itong papalayo subalit kasunod ding bumaba ang lalaki at binaril ang misis na tinamaan sa likod.

Nang makitang humandusay ang asawa, itinutok ng lalaki ang ginamit na .45 kalibreng baril sa kanyang ulo at nagbaril din ito.

Dead on the spot ang mister habang isinugod sa Martin Marasigan District Hospital at inilipat pa sa Metro San Jose Medical Center ang ginang subalit nalagutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

(NILOU DEL CARMEN)

64

Related posts

Leave a Comment