MGA PATAY NA ISDA LUMUTANG SA ILOG SA LUCENA CITY

NAGLUTANGAN ang mga patay na isda sa Iyam River sa Barangay 5, Lucena City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga residente malapit sa ilog, dakong alas-10:00 ng umaga nang mapansin nila ang mga nagsisipaglutangang isda na karamihan ay tilapia. Pinagkaguluhan ito ng mga residente at hinuli ang mga lumulutang na buhay pa.

Marami naman sa mga patay ng isda ang inanod na lang ng tubig.

Hinala ng mga residente, dulot ng mainit na panahon ang nagyaring fish kill.

Ayon naman sa iba, posibleng kontaminado at polluted ang tubig kaya namamatay ang mga isda na hindi anila isang beses nangyari sa ilog.

Ayon sa mga ito, sa mga naunang kaso ng fish kill ay may naamoy muna silang ng masangsang na kemikal mula sa tubig ng ilog.

Sinusuri na ng mga tauhan ng BFAR Region IV-A Provincial Fisheries Office ng Quezon ang mga namatay na isda.

Kumuha na rin ng sample ng tubig para alamin kung may lason o kemikal na naging sanhi ng pagkakaroon ng fish kill.

Pinayuhan din ng BFAR ang mga residente na huwag ibebenta at kakainin ang mga nakuhang patay na isda lalo na at hindi pa tiyak kung ano ang dahilan ng paglulutangan ng mga ito. (NILOU DEL CARMEN)

256

Related posts

Leave a Comment