MISSING CESSNA PLANE SA ISABELA NAKITA NA

KUMPIRMADONG patay lahat ang anim na sakay ng Cessna plane na nawala noong Enero 24, 2023 matapos matagpuan ng composite search and rescue team ang wreckage nito.

“The missing Cessna has just been found,” pahayag ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.

Natagpuan ang single engine plane kahapon sa bulubunduking barangay sa Isabela, ayon kay Attorney Constante “Watu” Foronda, head ng  Isabela PDRRMO.

Sa inisyal na impormasyon, ang eroplano ay natagpuang nakasabit sa mga puno sa gilid ng bundok.

Ayon kay Engineer Ezikiel G Chavez, ng local Office of Civil Defense, natagpuan na rin ang labi ng mga pasahero.

Pinag-aaralan na kung paano maibababa ang mga bangkay sa tulong ng Philippine Air Force choppers. (JESSE KABEL RUIZ)

178

Related posts

Leave a Comment