MISSING PIPER PLANE SA ISABELA NAKITA NA NG PHIL. AIR FORCE

KINUMPIRMA kahapon ni Philippine Air Force spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo na natagpuan na ng kanilang search and rescue team ang nawawalang Piper Plane RPC 1234.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Air Force Commanding General Stephen P. Parreño, bandang alas-8:05 kahapon ng umaga ay natukoy ng kanilang mga tauhang sakay ng PAF Sokol helicopter na sadyang itinalaga para search and rescue efforts, ang nawawalang Piper Plane RPC 1234 sa bisinidad ng Barangay Casala, San Mariano, Isabela.

Subalit dahil sa sama ng panahon at makapal na hamog hindi magawang makababa o makalapit ang Sokol chopper na sinasalubong ng malakas na hangin.

Ngunit nagawa ng mga tauhan ng air force na maituro ang eksaktong lokasyon sa mga sundalong nasa ground para ipagpatuloy ang search on foot tungo sa aircraft exact location.

Ayon sa PAF Tactical Operations Group 2, na responsable sa air operations sa area, nakatulong nila sa paghahanap ang civilian R44 aircraft ng Lion Air.

Habang ang ground search party naman ay binubuo ng mga sundalo mula sa Philippine Army, PNP, BFP, at Municipal Disaster Risk Reduction Office mula Palanan, San Mariano at Divilacan kasama, ang mga Dumagat bilang giya.

Inihayag ni Col. Castillo, nakahanda ang air forces na magtalaga ng kanilang parajumpers at dagdag na rescue helicopters mula sa 505th Search and Rescue Group para sa possible heli rescue kung kakayanin ang kondisyon ng panahon sa lugar.

(JESSE KABEL RUIZ)

69

Related posts

Leave a Comment