MWP SA BATANGAS SWAK SA REHAS

BATANGAS – Arestado sa mga awtoridad ang isang most wanted sa kasong frustrated murder sa bayan ng Calaca sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ng Calaca Police, arestado ang suspek na kinilalang si Zeus John Jolongbayan y Vidal, 26-anyos, helper, at residente ng Barangay Cahil, Calaca City, Batangas.

Natimbog ang nasabing wanted person sa ikinasang follow-up operation ng Calaca PNP, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 10, Balayan, Batangas para sa kasong frustrated murder na walang inirekomendang piyansa.

Batay sa record, nangyari ang kaso noong Nobyembre 9, 2016, nang ang biktima na si Juan Digno ay nagpunta sa bahay ng kanyang karelasyon ngunit biglang pinagbabaril ng suspek.

Nang matumba ng biktima ay tinaga pa ito ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan gamit ang isang bolo.

Personal grudge ang lumalabas na motibo sa tangkang pagpatay matapos mapagalitan at mapagbintangan ang suspek na may kinalaman sa nawalang pera ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)

124

Related posts

Leave a Comment