MWP SA MURDER TIKLO SA QC

TIMBOG ang isang 50-anyos na tricycle driver na suspek sa pagpatay, sa ikinasang “One Time Big Time” operation ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, sa pinaglulunggaan nito sa Quezon City.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Arnold Laon, may asawa, ng Parola Compound, Brgy. 20, Tondo.

Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, bandang alas-4:30 ng hapon nang matunton ang suspek sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rebecca Austria Gulilen – Ubana, ng Regional Trial Court, Branch 40, sa kasong pagpatay noong Pebrero 23, 2023. (RENE CRISOSTOMO)

86

Related posts

Leave a Comment