NAGTALO SA RELIHIYON, KAINUMAN GINILITAN

DAVAO CITY – Patay ang isang lalaki makaraang saksakin at gilitan ng kainuman nang magtalo dahil sa relihiyon sa Campo 3, Brgy. Talomo River, Calinan District sa lungsod noong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa report ng Davao City police Office, kinilala ang biktimang si “Michael”, 39, laborer, umano’y ginilitan sa leeg ng suspek na si alyas “Joselito”, 23, isang mini supermarket employee.

Nabatid sa imbestigasyon, pasado ala-una na ng madaling araw, kapwa na lasing ang dalawa nang insultuhin umano ng biktima ang relihiyon ng suspek

Nagresulta ito sa pagtatalo ng dalawa hanggang nagbanta umano ang biktima na papatayin ang suspek at mga kasama nito.

Tuluyang nagalit ang suspek na kumuha ng kutsilyo saka sinaksak at ginilitan sa leeg ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek makaraan ang insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

38

Related posts

Leave a Comment