P.5-M ALAHAS NATANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang hinihinalang akyat-bahay na tumangay ng tinatayang mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng mga alahas sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Martes ng madaling araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas bitbit ang tinatayang P500,000 halaga ng mga alahas at relos.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang isang bahay sa Brgy. Lumil, Silang, Cavite sa likurang bahagi nang makalimutang i-lock ng may-ari ang salamin ng bintana.

Nagsasagawa ang mga awtoridad ng ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa posibleng dinaanan at pagkakakilanlan ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

32

Related posts

Leave a Comment