NGCP MULING NANAWAGAN NG WHOLE-OF-INDUSTRY APPROACH PARA SA MAS MAAYOS NA SUPLAY NG KURYENTE

MULING nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng isang whole-of-industry approach kasama na ang mas maayos na energy resource planning kasunod ng naganap noong Enero 2 na multiple power plants tripping na naging sanhi upang mawalan ng suplay ng kuryente ang Panay Island mula sa iba pang Visayas grid.

“The unscheduled maintenance shutdowns of the largest power plants in Panay island was the primary cause of the power interruption. We emphasize the need for improved planning to ensure sufficient generation per island, with a well-balanced mix of fuels and technology,” ayon sa NGCP.

Nauna nang naitala ng NGCP ang kawalan ng suplay ng kuryente ng mga power generator plant sa Panay Island kabilang ang PEDC Unit 1 at 2 (83 MegaWatts kada isa ), at ang PCPC (135MW), at iba pa. Dahil sa pangyayaring ito at kasunod na din ng planong maintenance shutdown ng PEDC Unit 3 (150MW) na kung saan ang 451MW or 68.75% na kabuuang 656MW na nagsusuplay ng kuryente sa Isla ay naging dahilan para mawalan ng suplay ang Panay sub-grid. Ang kakulangan ng suplay ng kuryente ay dulot din ng isinasagawang Maintenance shutdowns na saklaw naman ng inaprubahan ng Department of Energy (DOE) na maaaring magsagawa ang mga Grid ng Operating at Maintenance Program.

At nitong 9:30 ng hatinggabi ng Enero 2, apat lamang sa 13 power plants ang nakapagbigay ng 40.3MW o 6.2 porsyento ng 83.5MW na siyang pangangailangan ng Panay Island. Dahil dito ang Grid ay nangangailangan ng 300MW upang maayos na masuplayan ng kuryente.

“We will be restoring loads conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure. NGCP is ready to transmit power once it is available. The people must understand that we can only transmit power, we do not generate power,” dagdag ng NGCP.

Ayon sa NGCP, parehong dahilan pa rin ang sanhi ng malawakang power outage ngayon sa Panay Island na nauna nang tinukoy ng kompanya kalakip ng kanilang ipinadalang sulat sa pamahalaang lungsod ng Iloilo noong Mayo 11, 2023.

Sa kanilang liham isinasaad na kailangang magsagawa ng mas malalim na plano mula sa mga policy maker upang sa ganoon ay matugunan ang lahat ng suliranin na mayroong kaugnayan sa power system. Natukoy rin ng NGCP na dahil sa kaganapan sa Panay Sub-grid at ang pagkawala ng suplay ng kuryente sa Negros ay kailangan na itong bigyan ng solusyon at kanilang nirerekomenda na maisakatuparan ang Cebu-Negros-Panay stage 3 (CNP3) project. Bukod dito, nirerekomenda rin ng NGCP na muling pag-aralan at rebisahin na ang Philippine Grid Code upang maisama na ang renewable energy sources partikular na ang mga apektado sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasagawa ng energy storage systems at iba pa.

76

Related posts

Leave a Comment