NO. 7 MWP SA CALABARZON TIKLO SA CIDG

CAVITE – Tumataginting na P1 milyon ang isusuka para sa pansamantalang paglaya ng tinaguriang no. 7 most wanted person (MWP) regional level sa CALABARZON, matapos maaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bayan ng Maragondon sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Michael Cubillo y Cabarrios, 45, binata, isang cook, ng Brgy. Poblacion I-A, Maragondon, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:39 ng hapon, nagpatupad ng Oplan Pagtugis ang mga operatiba ng CIDG Cavite PFU (lead unit) at Cavite PMFC, sa Brgy. Poblacion 1-A, Maragondon, Cavite, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ralph S. Arellano, ng RTC Branch 132, Naic, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa kasong sexual assault sa ilalim ng Art. 266-A (2) in relation to Sec. 5(B) ng RA 7610, at lascivious conduct sa ilalim ng Sec. 5(B) ng RA 7610 (4 counts). (SIGFRED ADSUARA)

102

Related posts

Leave a Comment