OBRERO NAKURYENTE HABANG NAGPIPINTURA

CAVITE – Patay ang isang 23-anyos na construction worker nang makuryente habang nagpipintura sa Bacoor City noong Sabado ng umaga.

Hindi na nadala pa sa ospital ang biktimang si Gerald Castillo y Escano, binata, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, na nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa ulat, nagpipintura ang biktima kasama ang kanyang ninong na si Joel Villarama y Casas, 50, sa firewall ng ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang Joey Caringgan sa nabanggit na lugar, dakong alas-10:30 ng umaga.

Dahil tirik na ang sikat ng araw, sinabihan ni Villarama ang kanyang inaanak na magpahinga muna subalit sa pagbaba nito ay dumikit sa linya ng kuryente ang bakal na hawakan ng paint roller naging dahilan ng pagkisay ng biktima dahil sa malakas na boltahe ng kuryente.

(SIGFRED ADSUARA)

86

Related posts

Leave a Comment