ONLINE REGISTRATION ITITIGIL NG COMELEC SA 2025 ELECTIONS

IPINANUKALA ng pamunuan ng Commission on Election (COMELEC) na hindi na magpatupad sa susunod na taon ng online registration para sa mga bagong botante para sa May 2025 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kung magpapatuloy sa Pebrero ng susunod na taon ang preparasyon para sa 2025 elections, nais umano nitong  maging tapat ang automated at online system ng registration ngunit maaaring hindi posible.

Binase ni Garcia ang panukala sa Senate committee hearing hinggil sa Republic Act 8189 na nagsasaad na ang mga indibidwal na gustong magparehistro ay dapat pa ring personal na humarap sa registration sites.

Kapag hindi aniya personal na humarap ang aplikante ay magkakaroon ng katanungan kung sa aplikante ba talaga nanggaling ang ibinigay na biometrics.

Sa kabila nito, sinabi pa ni Garcia na bukas ang Comelec na pumasok sa data-sharing agreement sa PhilSys upang bigyan daan ang paglipat ng biometrics sa Comelec.

Gayunman, nagpahayag pa ito na ang lahat ng aplikante para sa pagpaparehistro ay dapat pa ring personal na manumpa.

Dagdag pa ni Garcia, tinitingnan ng Comelec ang posibilidad na payagan ang mga aplikante sa kanilang panunumpa sa online. (RENE CRISOSTOMO)

200

Related posts

Leave a Comment