OVERSTAYING INDIAN NAT’L, ARESTADO SA CLARK

ARESTADO sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na overstaying, at tinangkang umalis ng bansa, sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga .

Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ng BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU), inaresto ang dayuhan na si Jasbir Singh, 40, nang masabat sa boarding gate bago makalipad patungong Singapore.

Ayon kay BI-BCIU acting chief Vincent Bryan Allas, si Singh ay nagpakita ng boarding pass na may immigration departure stamp at emergency travel document subalit walang BI stamp.

Sinabi na Allas, kahina-hinala na ang isang pasahero ay gustong umalis ng bansa nang hindi nagbabayad ng immigration fees at multa sa pagiging overstaying bilang turista, na kinakailangang bayaran bago makaalis ng bansa.

Si Singh ay nakadetine na sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan siya mananatili habang sumasailalim sa deportation proceedings.

Samantala, sinabi ni Tansingco na sinibak niya ang immigration officer na pumayag na magtungo ang dayuhan sa gate nang hindi pa nagbabayad ng tamang immigration clearance.

“He will be facing an investigation for possible cases of grave misconduct and conduct prejudicial to the interest of the service,” ayon kay Tansingco, na hindi pinangalanan ang nasabing Immigration Officer habang iniimbestigahan.

Dagdag pa nito, bukod sa BCIU na nagsasagawa ng spot checks ay mayroon din silang off-site monitoring gamit ang CCTV cameras.

Si Singh ay huling dumating noong Disyembre 9, 2023, na bilang isang turista ay 21 araw nang overstaying sa bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

40

Related posts

Leave a Comment