WANTED SA CHILD ABUSE ARESTADO SA SELDA

INARESTO ang isang 26-anyos na nursing attendant sa kasong child abuse, sa loob mismo ng selda ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Lunes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, hepe ng DSOU, ang suspek na si alyas “David”, residente ng Tondo, Manila.

Ayon kay Police Captain Robert Dato, bandang alas-12:40 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa nasabing suspek.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Francisco Macapagal Beley, ng Family Court, Third Judicial Region, Branch 4 ng Malolos, Bulacan.

(RENE CRISOSTOMO)

51

Related posts

Leave a Comment