P3.4-M SHABU, NASAMSAM SA PIER SA BATANGAS

BATANGAS CITY – Umabot sa P3.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang naharang ng mga awtoridad sa anti-illegal drugs operation sa Batangas Port sa Barangay Sta. Clara sa lungsod noong Miyerkoles ng hapon.

Batay sa report ng PDEA 4A, dakong alas-4:00 ng hapon nang maharang ng kanilang mga operatiba, kasama ang mga tauhan ng Batangas PNP at PDEA SIU Batangas, ang suspek na si alyas “Grace”, 37-anyos, taga Barangay Santiago, Naujan, Oriental Mindoro habang naghihintay ng barko patungong Mindoro.

Nakuha sa suspek ang limang piraso ng tied plastic transparent bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 500 gramo at may standard drug price na P3,450,000.

Nakuha rin sa suspek ang kanyang service na motorsiklo at ticket sa barko.

Hinihinala ng mga awtoridad na itatawid ang nasabing bulto ng shabu patungo sa isla ng Mindoro.

(NILOU DEL CARMEN)

55

Related posts

Leave a Comment