RIDER, ANGKAS PATAY SA SUMALPOK NA MOTOR

CEBU CITY – Dead on the spot ang driver ng motorcycle taxi at ang pasahero nito matapos maaksidente sa Cebu South Coastal Road, South Road Properties sa lungsod noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Move It rider Brian James Bayarcal, 26, taga Lamintak Norte, Medellin, Cebu, at Chlea Jane Gomez, 28, residente, Mandaue City.

Batay sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit ng Cebu City Police Office, binabaybay ng motorsiklo ang highway nang sumalpok ito sa center island at tumilapon sa kabilang lane ang dalawang sakay.

Nahagip naman ang dalawa ng kasalubong na Mitsubishi Xpander na minamaneho ni Dominador Duyongan, 60-anyos, residente ng Barangay Pardo, Cebu City.

Grabeng nasugatan ang mga biktima na agarang ikinamatay ng mga ito.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng SUV para sa imbestigasyon.

Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.

(NILOU DEL CARMEN)

59

Related posts

Leave a Comment