SANGGOL PATAY SA SAKSAK NG AMA

BUKIDNON – Patay ang isang taong gulang na sanggol na babae makaraang saksakin ng sariling ama sa kanilang bahay sa Sitio Intalwas, Barangay Tikalaan, sa bayan ng Talakag sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw.

Naisugod pa ospital ang biktima ngunit nalagutan ng hininga dahil sa matinding pinsala sa tiyan.

Ayon sa imbestigador ng Talakag PNP, naging aburido umano at dumilim ang pag-iisip ng ama ng biktima na si Ferdinand Catoto nang biglang umalis ang kanyang live-in partner na ina ng sanggol, matapos ang kanilang pagtatalo.

Nagtalo umano ang mag-asawa dahil sa hindi pagsunod ng babae sa utos ng lalaki na ipagtimpla siya ng kape.

Nauwi rin sa pagseselos ng lalaki ang pag-aaway kaya nagpasya na lamang ang babae na umalis ng bahay.

Pagkaalis ng babae, napagbalingan ng suspek ang natutulog na biktima at pinagsasaksak.

Pagkatapos ang pananaksak ay tinangka naman ng suspek na tapusin ang kanyang buhay at nagsaksak din sa sarili.

Pero naisugod ang suspek sa ospital, kung saan ito siya naka-hospital arrest. Nahaharap ang suspek sa kasong parricide.

(NILOU DEL CARMEN)

44

Related posts

Leave a Comment