PAGDAMI NG BAGETS NA HIV POSITIVE IKINABAHALA

LABIS na ikinabahala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdami ng mga kabataang edad 19-anyos pababa na mga bagong biktima ng human immunodeficiency virus (HIV).

Dahil dito, muling binuhay ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang panukalang batas na isama na sa curriculum ang sexual education upang maituro sa mga kabataan ang kahalagahan ng HIV prevention.

“We need to educate our youth on the importance of HIV prevention, safe sex practices, and the need for regular HIV testing,” ani Reyes.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos iulat ng Department of Health (DOH) na sa 1,454 bagong kaso ng HIV noong Enero, ay 86 sa mga ito ay mga kabataan na edad 19 hanggang 10-anyos.

Sinabi ni Reyes, lubha itong nakababahala dahil hindi lang ang mga matatanda ang biktima ng HIV kundi ang mga kabataan kaya dapat aniyang maturuan ang mga ito habang sila ay bata pa, kung paano maiwasan ang nasabing sakit na wala pang natutuklasang lunas.

Bukod sa pagtuturo sa eskuwelahan ay iminungkahi rin ng mambabatas na magsagawa ng malawakang information campaign ang gobyerno gamit ang social media ukol sa negatibong epekto ng unsafe sex.

Mula nang simulan ng gobyerno ang kampanya laban sa HIV-AIDS ay nakapagtala na ang DOH ng 110,736 kaso, sa nasabing bilang ay 6,383 na ang nasawi sa nasabing sakit. (BERNARD TAGUINOD)

310

Related posts

Leave a Comment