PAMILYA SUGATAN SA SUNOG SA BACOOR

CAVITE – Sugatan ang isang pamilya, kabilang ang 7-anyos na batang lalaki, sa nangyaring sunog sa kanilang bahay sa Bacoor City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga nasugatan na ang mag-asawang sina Dan Calipjo, 32, at Elsa, 42, at kanilang anak na si Bren, 7-anyos.

Ayon sa ulat ni Patrolman Levin Sinatad ng Bacoor City Police, dakong alas-4:21 ng hapon nang nagsimula ang sunog sa isang residential house na pagmamay-ari ng pamilya Calipjo sa Brgy. Niog, Bacoor City, Cavite at idineklarang fire under control dakong alas-5:21 ng hapon.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naging pinsala sa mga ari-arian.

(SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment