PANGHIHIPO NI TSERMAN INIREKLAMO NG TANOD

CAVITE – Inireklamo ng isang barangay tanod ang kanilang barangay chairman makaraang umano’y pisilin ang puwet, hinalikan sa labi at hinawakan ang ari sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktima na si alyas “Darwin” upang ireklamo si alyas “Kap”.

Ayon sa reklamo ni Darwin, ipinatawag umano siya ni Kap upang pag-usapan ang ilang bagay hinggil sa kanyang trabaho bilang isang barangay tanod bandang ala-1:30 ng hapon.

Pagdating ng biktima sa kanilang Barangay Hall, hinawakan umano ni Kap ang puwet ng biktima habang papasok siya sa opisina ng huli.

Ngunit tila hindi pa nakuntento si Kap, ni-lock umano nito ang pintuan ng kanyang opisina, hinawakan sa leeg at beywang si Darwin saka hinalikan sa labi.

Pumalag si Darwin ngunit bigla umanong hinawakan ni Kap ang ari nito kaya nagmamadaling lumabas ang biktima.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyahin hinggil sa insidente at nag-report sa himpilan ng pulisya.

(SIGFRED ADSUARA)

 

38

Related posts

Leave a Comment