Para pagaanin ang epekto ng El Niño NOGRALES HINIKAYAT MGA KOMUNIDAD NA MAGTANIM NG PUNO

BUNSOD ng nararanasang El Niño phenomenon, hinikayat ni Rizal 4th District Cong. Fidel Nograles ang mga komunidad na magtanim ng mga puno sa buong bansa para makatulong na pagaanin ang malupit na epekto ng matinding init ng panahon.

“Hinihikayat natin ang ating mga kababayan na patuloy na magtanim ng mga puno sa kanilang komunidad para maibsan ang epekto ng El Niño,” ani Cong. Nograles.

“Tree planting is an excellent communal activity that has a positive effect, and I hope more local leaders will organize and engage in this activity so that we can restore our country’s greenness,” dagdag pa niya.

Matatandaan noong nakaraang buwan, pinangunahan ni Nograles ang mga residente ng Montalban sa isang tree-planting activity bilang pag-alala sa 152nd founding anniversary ng bayan.

Tinatayang nasa 4,000 saplings ang naitanim ng libu-libong residente sa may Wawa Riverbank at gilid ng bundok.

Tinatayang nasa 6,000 mga estudyante, senior citizens, at mga kababaihan mula sa nasabing bayan ang nakiisa sa nabanggit na aktibidad na kasama ang “Forward Nature” advocacy walk.

“Inaasahan po natin na balang araw ang ating mga itinanim ay makatutulong laban sa rumaragasang tubig-baha sa panahon ng tag-ulan,” sinabi pa ng mambabatas kaugnay sa aktibidad.

Ayon pa sa mambabatas, “aggressively restore the country’s forest cover” bilang isang paraan laban sa El Niño at long-term climate change.

“Our forests serve as a buffer against weather-related disasters. They release moisture into the atmosphere to counter droughts, and shield us against typhoons and prevent flooding,” anang mambabatas mula sa Montalban.

Si Nograles ay nagtataguyod para sa gobyerno at komunidad na maging aktibo sa pag-iimplementa ng mga hakbang na magpoprotekta laban sa climate change.

Naging regular na ang pamumuno ni Cong. Nograles sa tree-planting at community-cleaning activities sa bayan ng Montalban. (JOEL O. AMONGO)

354

Related posts

Leave a Comment