Penitensya ‘di pa tapos sa Malabon KALBARYO SA TUBIG HANGGANG ABRIL 30

TULOY ang kalbaryo sa tubig sa Malabon City kasunod ng anunsyo ng Maynilad na muling magpapatupad ng daily water service interruption sa buong lungsod simula Abril 16 hanggang 30, 2022.

Mula alas-10:00 ng gabi hanggang ika-4:00 ng umaga pa rin ang water interruption na dahil umano sa mababang lebel ng tubig sa mga dam.

Patuloy na nagpaalala ang pamahalaang lungsod sa mga residenteng Malabonian na maging masinop sa paggamit at ugaliing mag-ipon ng tubig.

Samantala, bilang pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Malabon, inaanyayahan ng city hall ang lahat na dumalo sa Thanksgiving Mass na gaganapin sa Abril 21, ika-3:00 ng hapon sa San Bartolome Parish.

Ang misa ay susundan ng Grand Zumba na magsisimula ng ika-4:00 ng hapon sa harapan ng Malabon City Hall. (ALAIN AJERO)

102

Related posts

Leave a Comment