PRESO KINURYENTE ANG SARILI

CAVITE – Naudlot ang pagpapakamatay ng isang preso nang makita ng kanyang kabaro habang nakahawak sa live wire sa loob ng comfort room ng Custodial Facility ng bayan ng Rosario ng lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Nilalapatan ng lunas at bantay-sarado sa Rosario Medical and Lying In Clinic ang biktimang si Enrique Ruiz y Bundal, 47, binata, preso sa Rosario Custodial Facility.

Ayon sa ulat ni Corporal Ricardo Mendoza Jr., ng Rosario Police Station, dakong alas-5:45 ng umaga nang pumasok si Ruiz sa palikuran ng Rosario MPS Custodial Facility sa Rosario, Cavite at umano’y tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paghawak sa isang live wire.

Ngunit napigilan ito nang pumasok ang isang preso at nasaksihan ang insidente.

Si Ruiz ay dumanas ng minor burns sa kaliwang kamay kaya isinugod sa ospital. (SIGFRED ADSUARA)

331

Related posts

Leave a Comment