PUGANTENG JAPANESE TIMBOG SA ILOILO

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Iloilo ang puganteng Hapon na wanted sa Tokyo bunsod ng pagkakasangkot nito sa kasong robbery, extortion at telecommunications fraud.

Kinilala ang suspek na si Yohhei Yano, 43-anyos, nahuli ng BI operatives noong Enero 17 sa Guimbal Port sa Iloilo.

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, si Yano ay mayroong nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Summary Court ng Yakkaichi sa Japan noong pang Agosto ng nakaraang taon.

Si Yano ay pansamantalang nakakulong sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation order mula sa BI Board of Commissioners. (FROILAN MORALLOS)

15

Related posts

Leave a Comment