PUGANTENG KANO, TURKISH HINARANG SA NAIA

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang convicted American sex offender, at Turkish national fraudster.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael David Steinborn, 57, American national, at Amos Awasthi, 48-anyos, Turkish national.

Ayon sa impormasyon, dumating si Steinborn noong Nobyembre 26, sakay ng United Airlines flight galing San Francisco, at si Awasthi ay dumating noong Nobyembre 27, sakay ng Emirates Airlines mula sa United Arab Emirates.

Si Steinborn ay nakulong noong 1994 sa Kissimmee, Florida dahil sa indecent exposure at ikinonsidera sa kanilang bansa bilang Tier 1 offender.

Samantalang si Awasthi ay subject ng Interpol blue notice na inisyu ng korte sa Turkey noong nakaraang taon hinggil sa pagkakadawit sa kasong pandarambong sa India.

Ayon pa sa ulat na nakarating sa BI, kasabwat si Awasthi ng Indian government sa fertilizers overpricing at hinihinalang kumita ng limpak-limpak na salapi sa nangyaring bentahan.

Ang dalawang dayuhan ay agad na pinasakay sa first available flight pabalik sa kanilang port of origin.

(FROILAN MORALLOS)

107

Related posts

Leave a Comment