TROPA NG SUGAROL, NAHULIHAN NG DROGA

CAVITE – Nabuking ang itinatagong halos P100,000 halaga ng umano’y shabu nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kontra illegal gambling sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jay”, “John” at “Marvin’, pawang mga residente ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Tanza Municipal Police Station hinggil sa nagaganap na sugalan sa larong tong-its sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Agad ikinasa ang operasyon kung saan naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng tong-its na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Subalit nang inspeksyunin ang mga arestado, nabuking sa kanila ang itinatagong hinihinalang ilegal na droga.

Bukod sa nakumpiskang baraha at halagang P295 halaga ng taya, nakuha rin mula sa mga suspek ang P93,909,000 halaga ng umano’y shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(SIGFRED ADSUARA)

141

Related posts

Leave a Comment