PULIS PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

CEBU – Patay ang isang pulis sa aksidente sa motorsiklo sa national highway sa bayan ng Sibonga sa lalawigan, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Patrolman John Anthony Quintao, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion.

Ayon sa report, binabaybay ng pulis ang national highway nang sumalpok ito sa likuran ng nakaparadang trailer truck.

Malubhang napinsala ang katawan ng biktima na agad dinala sa Carcar District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Ayon sa mga imbestigador ng Sibonga Police, nakaparada ang truck sa bandang gilid ng kalsada at patay ang makina.

Naka-hazard light naman ito, subalit posibleng hindi umano napansin agad ng pulis ang nakahintong truck dahil wala itong early warning device.

Napag-alaman na naka-sibilyan lamang ang pulis nang mangyari ang insidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck at nakatakda itong kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

(NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment