RAPE SUSPECT NABUSLO SA CIDG

ARESTADO ng mga operatiba ng CIDG Manila DFU (lead unit) kasama ng mga tauhan ng MPD PS-9, sa bisa ng warrant of arrest, ang isang suspek sa kasong rape sa Sampaloc, Manila noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Herminigildo Delpozo y Samaniego, no. 11 most wanted person, district level.

Inaresto ang suspek sa CIDG Flagship Project Oplan Pagtugis at Oplan Salikop, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalio G. Dela Rosa ng RTC Branch 28 National Capital Judicial Region.

Ang arestado ay miyembro umano ng Moreno criminal group.

53

Related posts

Leave a Comment