RESTAURANT CUSTOMERS HINOLDAP, 1 TIMBOG

CAVITE – Nasa kustodiya na ng Cavite Police ang isang suspek habang tinutugis ang lima pang kasamahan nito na nangholdap sa walong customer na kumakain sa isang restaurant sa Imus City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Lem John Rutaquio, nasa hustong edad, habang pinaghahanap ang limang iba pa, kabilang ang isang alyas “Macmac”, na pawang armado at lulan ng tatlong motorsiklo.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Edilberto Reyes ng Imus City Police Station, dakong alas-11:10 ng gabi noong Lunes nang holdapin ng mga suspek ang Samyupamore sa Aguinaldo Highway, Barangay Anabu 1-D, Imus City, at tinangay ang mga cellphone, relo at P18,000 cash ng mga customer nito.

Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek lulan ng tatlong motorsiklo patungong northbound direction ng Dasmariñas City.

Sa isinagawang follow-up operation, base sa kanilang backtracking, na-monitor sa area ng C5 Road sa Taguig City ang isa sa mga suspek na may hawak na iPhone ng isa sa mga biktima, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rutaquio at nakumpiska ang motorsiklong ginamit sa krimen.

(SIGFRED ADSUARA)

86

Related posts

Leave a Comment